Dulot ng Kahirapan

on Wednesday, March 02, 2011


"Dito na lang po ako kina ate, okey na po ako dito.. kahit sinasaktan ako ng bata. Kaya ko na pong pagtiisan yun.. Nasa oras po ang pagkain ko sa kanila; kumpara po naman sa amin sa isla- may araw po na hindi kami kumakain.."

Ito ang sinabi ni Diane~ 19 years old na kasambahay ng aming kapitbahay habang inuurirat siya ng aking nanay. Sa isla sa kabilang bayan nakatira ang kanilang pamilya. Bunso sa limang magkakapatid at High school graduate.. Ayon pa sa kanya, kapag may sumpong ang anak ng kanyang amo, sinisipa siya sa mukha, o sa kahit saang parte ng katawan siya tamaan. 12 anyos ang batang iyon pero, malaking babae siya sa kanyang edad. Pinayuhan siya ng aking ina na maghanap na lang ng ibang mapapasukan, tutal mabait naman siya at masipag. Tumanggi si Diane dahil ayaw niyang mapalayo sa kaniyang pamilya. Mula sa isla nila Dianne, 2 sakay lang at mararating na ang lugar namin.. Sapat na raw iyon dahil nakakakain siya ng maayos at nasa oras pa..


Nasa Chapter 19 na ako ng Saunders Review nang marinig ko ang kwentuhan ni Diane at ni Nanay.. Hindi ko na namang mapigilang mag isip, mag muni muni at mapagtanto ang lahat ng bagay na meron ako.. Eto si diane, kuntento na sa regular na pagkain at parang wala ng mas nanaisin pa. Pero ako, wala na ngang trabaho, kung ano-ano pa ang inaatupag; at patuloy na nagiging dependent sa aking pamilya.


Dahil sa walang trabaho ang pagiging RN,RM ko..Gusto ko ulit mag aral. Mag-aaral ako habang dala dala ang leksyon ng nakaraan.. Ako dapat ang magpapa aral sa mga nakakabatang kapatid ko pero mukang sila pa ang magpapa aral sa akin. Nakakahiya man, pero tatanggapin ko ito.. Kasama ito sa mga consequences ng pagiging mapagmataas ko noong ako ay nasa kolehiyo.

0 comments:

Post a Comment