Airline Booking.

on Monday, February 28, 2011

Napasubo kami ng aking nanay dahil sa paghahanap ng promo.. Isa ito sa nakikita kong dahilan kung bakit ako balisa at tinatamad mag aral sa nalalapit kong HAAD-RN exam.. Sana makatyempo na kami para makapag focus na ako sa pagrereview. :)

Trial post

This is first post for my wordpress app. :)

Moving On.. ?!

It's a common knowledge na yata dito sa Pilipinas na kapag R.N. ka, wala kang trabaho bilang isang staff nurse unless TOP 1 ka, graduate ka ng UP o UST and/or UBOD NG LAKAS NG BACKER MO. Nakakalungkot mang isipin, mukang ganito na talaga ang kahahantungan ng 4 na taong paghihirap ko sa kolehiyo. Sa totoo lang, hindi talaga sumagi ang sa isipan ko noong nag-aaral at nagpapadalubhasa pa ako sa narsing ang sitwasyon ko ngayon ~ BUM.

Makalipas ang 1096 days simula ng grumadweyt ako, marami rami na rin ang nasubukan kong gawin, isipin at puntahan. Nanjang pumasok ako sa seminaryo upang malaman kung may ibang plano sa akin ang Diyos, magtraining sa iba't ibang ospital mula sa primary hospital na walking distance lang samin, hanggang sa pinakamalaking pampublikong ospital dito sa Pilipinas. Nagkaroon din ako ng pagkakataong makapunta sa iba't ibang, iba-ibang lugar at magkaroon ng sangkaterbang oras para magmuni muni, magdasal at maglinis ng bahay. >_<


Pagpasok sa Seminaryo

Marami sa mga nakakilala sa akin ang napa-upo, nanglaki ang mata, nasamid at nabilaukan nang malaman nila na papasok ako sa seminaryo ~ para maging Pari. Akshali, matagal tagal ko rin itong pinag isipan, bago ko sinabi sa akong pamilya. Pumayag naman sila.. Sa maikling panahon na nilagi ko roon, masasabi kong nagkaroon ako ng chance para i-ayos ang tingin ko sa buhay. Mr. Know-it-all-oh-so-yabang kasi ako noon. Sa tingin ko, Alam ko ang lahat. Walang nakakahigit sa akin. Board passer ako e. Take one pa! Hindi ko napapansin na unti unti na pala nitong kinakain ang aking pagkatao; at dahang dahan ang paghila nito sakin pababa. Ayan, may liwanag na. Bumalik na ang dating ako. Kumbaga sa sasakyan, overhauled na.  Akala ko para sa seminaryo na ako, kaso may problema. Hindi ko pala kayang mawalay sa aking pamilya.. Sila pala ang kahinaan ko. Lumabas ako ng seminaryo. Ngunit, Binigyan naman ako ng 2 years na palugit para kung maibigan kong bumalik, pwede pa raw. Marami akong natutunan sa paglagi ko sa seminaryo. Bukod sa mga dasal, nalaman ko na may iba't ibang uri ng karunungan  ang  maaaring  matutunan sa pagpapakumbaba.


VOLUNTEER NURSE / NURSE TRAINEE

Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa? Ang Volunteer Nurse(VN), walang bayad ang pagbibigay serbisyo sa ospital para masigawan, madalas ring lait laitin ng mga residenteng duktor o ng mga bantay. Sa Nurse Trainee (NT) naman, nagbayad ka sa ospital mula Php3000 hanggang Php30,000 mula 3 to 6 months sa  pagbibigay mo ng serbisyo para sigawan at lait laitin ng mga consultants, residente at mga bantay ng pasyente. Bukod sa may bayad may mga lectures din na sinama dahil expected nila na wala alam ang mg aplikante nung skills lab noong college. Bakit ako nag-ganito? Dahil nagbabasakali pa rin ako na may ospital pa rin dito sa Pilipinas ang hindi naniniwala at nagpapatupad ng padrino system. Kaso, hindi ko pa nakikita. Pasado naman ako sa lahat mula sa examssss hanggang sa interviewsssss. Kulang lang talaga ng BACKER>Mabango para sa akin ang amoy ng ospital. Nakaka wili at nakaka-adik. May iba akong nararamdaman parang kasabikan, katuwaan at kagalakan twing papasok ako ng ospital, lalo na sa Operating Room. Eto kasi ang aking field of specialization. Para akong nasa langit kapag nakakakita ako ng dugo, intestines,  utak atbp.


PAGKAKATAON PARA MAGLIBOT

Kung staff nurse na ako, siguradong hindi ko na magagawa ito. Kaso, unemployed ako at mahilig sa lakaran ang aking pamilya kaya sabi nga ni Vice Ganda, Go lang ng Go! Mejo nahihiya na rin ako dahil sa dapat, nakakatulong na ako para mabawasan ang gastusin kaso, wala. Nakadagdag pa yata. Sa pagpunta sa iba't ibang lugar, dito ko napagtanto kung gaano ako kaswerte, kahit na ang tingin ko na talaga sa akin eh ako na ang PINAKAMALAS NA TAO SA BUONG MUNDO.. Oo, wala akong trabaho. Wala akong kita. Wala akong maipagmamalaki. Ngunit kumakain pa rin ako ng 3 beses sa isang araw, minsan 10 times pa nga e. May magulang akong pilit akong iniintindi sa kahit anong gulo ng utak ko dahil minsan sa sobrang desperdaong magkatrabaho, kahit ano pinapasok ko.



PAGMUNI-MUNI,  PAGDARASAL, at PAGLILINIS NG BAHAY.

Nasa akin ang lahat ng oras. Oras na maari kong gawin, waldasin o palaguin. Maraming ideya ang lumalabas sa akin, kagaya ng paggawa ng blog na ngayon ko lang isinakatuparan. Pagdarasal. Nakasanayan ko na ang magrosaryo araw araw, kahit na may kasalanan akong nagawa ~ gaano man ito kalala. Hindi kasi ako mapakali kapag hindi ako nagdasal. Ito siguro ang naiwan na kasanayan simula nang pumasok ako sa seminaryo. Dahil ako lang ang walang trabaho at wala kaming kasambahay, sa akin naka toka ang paglilinis ng bahay. Hindi ko maiwasang mag self-pity lalo na pang inggit na inggit ako sa mga ka-batch kong kumikita na ng salapi. Limpak limpak sa salapi.




SA KABILA ng lahat ng ito, hindi sapat at dapat sakin na mamalagi at masanay na lang sa ganito. Kailangan ko pa ring magpatuloy hanapin ang LINYANG tama para sa akin. Saan man ako dalin ng aking mga paa at ituro ng Diyos.

Review.

Sa susunod na buwan na ang nakatakdang araw ng pagkuha ko ng exam sa HAAD-RN. Dapat binabasa ko na si Gapuz at Saunders pagkatapos ay sasagutin ang mga tanong sa Q&A ni Saunders. Ewan ko ba kung bakit pupugak pugak ang motivation at interes ko sa pagrereview. Kung anu- anong kalokohan pa ang inuuna ko kaysa sa pag aaral.. NAKAKAINIS.

unang post

hello.