LACK OF INTEREST

on Wednesday, March 16, 2011

Thinking

Few more weeks now, I will be having my HAAD-RN exam.. Peculiar thing is that I AM TOO LAZY REVIEWING, UNDERSTANDING IMPORTANT CONCEPTS NEEDED for me to pass the examination.

Is this a sign of exhaustion? Perhaps yes. I am so tired of taking examss yet it would't help me to land a job since my country~ the Philippines is running a WHO DO YOU KNOW SYSTEM rather than of what do you know system.. Well, an excuse if you're a graduate of these two institutions: the UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, and the PONTIFICAL AND ROYAL UNIVERSITY OF SANTO TOMAS~ THE CATHOLIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES.

Bipolar

The spirit is willing but the flesh is weak. I tried reading but still no conprehension noted. It is definitely so hard reviewing on your own. But becausr of financial constraints, it led me to decide to have myself reviewed by myself.

Family


My family is at my back. Serves as the wind beneath my wings. My impervious container. This life is so difficult to understand even I do sometimes doesn't understand myself. Through constant prayers, I believe we can overcome this challenge; which will eventually helps me to succeed the problems that might arise in the future. BlogBooster-The most productive way for mobile blogging. BlogBooster is a multi-service blog editor for iPhone, Android, WebOs and your desktop

Im back

on Thursday, March 10, 2011

At last!!!! Im baaaaaack. Its been a while since I did a post here. Im super busy.. Focusing myself to concentrate on reviewing the important concepts for my upcoming HAAD-RN exam.

Sadly, distractors do prepare a lot, and Im having a hard time fighting it.

I had read in a local broadsheet news that a filipina nurse~ the former nanny of Princes Harry and William was invited in the latter's Royal Wedding..

How lucky. I do also had interest in working for the British Royal Family but because of the influx of various issues regarding Philippine educated nurses, Im thinking its already next to impossible. BlogBooster-The most productive way for mobile blogging. BlogBooster is a multi-service blog editor for iPhone, Android, WebOs and your desktop

Certified Inggitero

on Thursday, March 03, 2011

Buong buhay ko, nasanay ako na ako ang bida. Ako ang sentro ng atraksyon. Sa akin umiikot ang mundo.. Nasa alapaap ako. Sa isang iglap, bigla akong lumagapak. Buti na lang, kahit paano, may pinakita pa rin akong mabuti sa ilan sa mga nakasalamuha ko noon. Masakit. Nakakababa ng loob. Pero dahil nasa baba na ako, there's no way for me go but UP again, but I had to keep my feet on the ground..

Nasa akin na ata itong 7 capital sins. Lalo na ung envy, dahil sa nakasanayan ko na.. ang mainggit. Mahirap sa umpisang baguhin pero pa unti unti, naiiwasan rin.

Dulot ng Kahirapan

on Wednesday, March 02, 2011


"Dito na lang po ako kina ate, okey na po ako dito.. kahit sinasaktan ako ng bata. Kaya ko na pong pagtiisan yun.. Nasa oras po ang pagkain ko sa kanila; kumpara po naman sa amin sa isla- may araw po na hindi kami kumakain.."

Ito ang sinabi ni Diane~ 19 years old na kasambahay ng aming kapitbahay habang inuurirat siya ng aking nanay. Sa isla sa kabilang bayan nakatira ang kanilang pamilya. Bunso sa limang magkakapatid at High school graduate.. Ayon pa sa kanya, kapag may sumpong ang anak ng kanyang amo, sinisipa siya sa mukha, o sa kahit saang parte ng katawan siya tamaan. 12 anyos ang batang iyon pero, malaking babae siya sa kanyang edad. Pinayuhan siya ng aking ina na maghanap na lang ng ibang mapapasukan, tutal mabait naman siya at masipag. Tumanggi si Diane dahil ayaw niyang mapalayo sa kaniyang pamilya. Mula sa isla nila Dianne, 2 sakay lang at mararating na ang lugar namin.. Sapat na raw iyon dahil nakakakain siya ng maayos at nasa oras pa..


Nasa Chapter 19 na ako ng Saunders Review nang marinig ko ang kwentuhan ni Diane at ni Nanay.. Hindi ko na namang mapigilang mag isip, mag muni muni at mapagtanto ang lahat ng bagay na meron ako.. Eto si diane, kuntento na sa regular na pagkain at parang wala ng mas nanaisin pa. Pero ako, wala na ngang trabaho, kung ano-ano pa ang inaatupag; at patuloy na nagiging dependent sa aking pamilya.


Dahil sa walang trabaho ang pagiging RN,RM ko..Gusto ko ulit mag aral. Mag-aaral ako habang dala dala ang leksyon ng nakaraan.. Ako dapat ang magpapa aral sa mga nakakabatang kapatid ko pero mukang sila pa ang magpapa aral sa akin. Nakakahiya man, pero tatanggapin ko ito.. Kasama ito sa mga consequences ng pagiging mapagmataas ko noong ako ay nasa kolehiyo.

I DON'T WANT HISTORY TO REPEAT ITSELF

on Tuesday, March 01, 2011

Stressed



Kakauwi lang ng nakakabata kong kapatid mula sa kanyang duty sa ospital. Senior intern siya sa isang Special Tertiary Hospital sa Maynila. Expected na pagod at nagugutom ang kapatid ko. Natural lang ito. Ang hindi ko lang nagustuhan ay kung paano nya ilabas ang pagka pagod. Ganung ganoon ako nung nag aaral pa ako. Mapagmataas, at makasaril.




MAPAGMATAAS

Kahit nung nag aaral pa lang ako, iba na ang tingin ko sa ibang kurso ~ lalo na sa BA course. Below average, ika nga. Hindi ko namamalayan, unti unti na rin pa lang nakukuha ng kapatid ko ang kaugalian na iyon. Nakakatakot. Ayokong pagdaanan niya ang mga pinagdaanan ko, para lang malaman ang mga pagkakamaling nagawa.


MAKASARILI

May special treatment sa amin kapag from duty ka.. Excuse ka sa mga gawaing bahay. Yung walang ginagawa ang kukuha ng tasks na dapat ay para sa iyo.. Nakakalungkot mang isipin, unti unti nang inaabuso ng aking kapatid ang pribilehiyong ito.. Madalas namin siyang pagbihyan upang makapagrelax sa toxicity at pressure ng ospital at sa eskwelahan. Candidate rin kasi sya for MAGNA CUM LAUDE. Sana sumagi sa isip nya ung bilin ng Diyos sa pagpapakumbaba..

Happy family


Hindi man kami kasing.yaman ng angkan ni Henry Sy o kasing talino ng mga Einstein; masaya naman kami sa paminsang minsang di pagkakaunawaan.. Ito ang nagpapAlakas sa aming samahan. Natututo kaming makibagay, unawain at paybigyan ang isa't isa.

Wag sanang dumating sa buhay ng aking kapatid ang dinanas ko~ na kailangang danasin ang lahat ang paghihirap at pagsubok bago matutunan ang aral imbes na makinig na lang sa mga payo at doon matuto ng leksyon.. BlogBooster-The most productive way for mobile blogging. BlogBooster is a multi-service blog editor for iPhone, Android, WebOs and your desktop

New App

Got new blog booster app which enables me to view, write and modify my post even in offline mode.. :)
BlogBooster-The most productive way for mobile blogging. BlogBooster is a multi-service blog editor for iPhone, Android, WebOs and your desktop

Philippine Airlines' Mabuhay Miles


SAWAKAS. May mabuhay miles na ang aming pamilya.. Haha!! Airfare na lang ang kulang.. Maraming salamat! Cebu Pacific na lang ang kulang.. :) BlogBooster-The most productive way for mobile blogging. BlogBooster is a multi-service blog editor for iPhone, Android, WebOs and your desktop

Airline Booking.

on Monday, February 28, 2011

Napasubo kami ng aking nanay dahil sa paghahanap ng promo.. Isa ito sa nakikita kong dahilan kung bakit ako balisa at tinatamad mag aral sa nalalapit kong HAAD-RN exam.. Sana makatyempo na kami para makapag focus na ako sa pagrereview. :)

Trial post

This is first post for my wordpress app. :)

Moving On.. ?!

It's a common knowledge na yata dito sa Pilipinas na kapag R.N. ka, wala kang trabaho bilang isang staff nurse unless TOP 1 ka, graduate ka ng UP o UST and/or UBOD NG LAKAS NG BACKER MO. Nakakalungkot mang isipin, mukang ganito na talaga ang kahahantungan ng 4 na taong paghihirap ko sa kolehiyo. Sa totoo lang, hindi talaga sumagi ang sa isipan ko noong nag-aaral at nagpapadalubhasa pa ako sa narsing ang sitwasyon ko ngayon ~ BUM.

Makalipas ang 1096 days simula ng grumadweyt ako, marami rami na rin ang nasubukan kong gawin, isipin at puntahan. Nanjang pumasok ako sa seminaryo upang malaman kung may ibang plano sa akin ang Diyos, magtraining sa iba't ibang ospital mula sa primary hospital na walking distance lang samin, hanggang sa pinakamalaking pampublikong ospital dito sa Pilipinas. Nagkaroon din ako ng pagkakataong makapunta sa iba't ibang, iba-ibang lugar at magkaroon ng sangkaterbang oras para magmuni muni, magdasal at maglinis ng bahay. >_<


Pagpasok sa Seminaryo

Marami sa mga nakakilala sa akin ang napa-upo, nanglaki ang mata, nasamid at nabilaukan nang malaman nila na papasok ako sa seminaryo ~ para maging Pari. Akshali, matagal tagal ko rin itong pinag isipan, bago ko sinabi sa akong pamilya. Pumayag naman sila.. Sa maikling panahon na nilagi ko roon, masasabi kong nagkaroon ako ng chance para i-ayos ang tingin ko sa buhay. Mr. Know-it-all-oh-so-yabang kasi ako noon. Sa tingin ko, Alam ko ang lahat. Walang nakakahigit sa akin. Board passer ako e. Take one pa! Hindi ko napapansin na unti unti na pala nitong kinakain ang aking pagkatao; at dahang dahan ang paghila nito sakin pababa. Ayan, may liwanag na. Bumalik na ang dating ako. Kumbaga sa sasakyan, overhauled na.  Akala ko para sa seminaryo na ako, kaso may problema. Hindi ko pala kayang mawalay sa aking pamilya.. Sila pala ang kahinaan ko. Lumabas ako ng seminaryo. Ngunit, Binigyan naman ako ng 2 years na palugit para kung maibigan kong bumalik, pwede pa raw. Marami akong natutunan sa paglagi ko sa seminaryo. Bukod sa mga dasal, nalaman ko na may iba't ibang uri ng karunungan  ang  maaaring  matutunan sa pagpapakumbaba.


VOLUNTEER NURSE / NURSE TRAINEE

Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa? Ang Volunteer Nurse(VN), walang bayad ang pagbibigay serbisyo sa ospital para masigawan, madalas ring lait laitin ng mga residenteng duktor o ng mga bantay. Sa Nurse Trainee (NT) naman, nagbayad ka sa ospital mula Php3000 hanggang Php30,000 mula 3 to 6 months sa  pagbibigay mo ng serbisyo para sigawan at lait laitin ng mga consultants, residente at mga bantay ng pasyente. Bukod sa may bayad may mga lectures din na sinama dahil expected nila na wala alam ang mg aplikante nung skills lab noong college. Bakit ako nag-ganito? Dahil nagbabasakali pa rin ako na may ospital pa rin dito sa Pilipinas ang hindi naniniwala at nagpapatupad ng padrino system. Kaso, hindi ko pa nakikita. Pasado naman ako sa lahat mula sa examssss hanggang sa interviewsssss. Kulang lang talaga ng BACKER>Mabango para sa akin ang amoy ng ospital. Nakaka wili at nakaka-adik. May iba akong nararamdaman parang kasabikan, katuwaan at kagalakan twing papasok ako ng ospital, lalo na sa Operating Room. Eto kasi ang aking field of specialization. Para akong nasa langit kapag nakakakita ako ng dugo, intestines,  utak atbp.


PAGKAKATAON PARA MAGLIBOT

Kung staff nurse na ako, siguradong hindi ko na magagawa ito. Kaso, unemployed ako at mahilig sa lakaran ang aking pamilya kaya sabi nga ni Vice Ganda, Go lang ng Go! Mejo nahihiya na rin ako dahil sa dapat, nakakatulong na ako para mabawasan ang gastusin kaso, wala. Nakadagdag pa yata. Sa pagpunta sa iba't ibang lugar, dito ko napagtanto kung gaano ako kaswerte, kahit na ang tingin ko na talaga sa akin eh ako na ang PINAKAMALAS NA TAO SA BUONG MUNDO.. Oo, wala akong trabaho. Wala akong kita. Wala akong maipagmamalaki. Ngunit kumakain pa rin ako ng 3 beses sa isang araw, minsan 10 times pa nga e. May magulang akong pilit akong iniintindi sa kahit anong gulo ng utak ko dahil minsan sa sobrang desperdaong magkatrabaho, kahit ano pinapasok ko.



PAGMUNI-MUNI,  PAGDARASAL, at PAGLILINIS NG BAHAY.

Nasa akin ang lahat ng oras. Oras na maari kong gawin, waldasin o palaguin. Maraming ideya ang lumalabas sa akin, kagaya ng paggawa ng blog na ngayon ko lang isinakatuparan. Pagdarasal. Nakasanayan ko na ang magrosaryo araw araw, kahit na may kasalanan akong nagawa ~ gaano man ito kalala. Hindi kasi ako mapakali kapag hindi ako nagdasal. Ito siguro ang naiwan na kasanayan simula nang pumasok ako sa seminaryo. Dahil ako lang ang walang trabaho at wala kaming kasambahay, sa akin naka toka ang paglilinis ng bahay. Hindi ko maiwasang mag self-pity lalo na pang inggit na inggit ako sa mga ka-batch kong kumikita na ng salapi. Limpak limpak sa salapi.




SA KABILA ng lahat ng ito, hindi sapat at dapat sakin na mamalagi at masanay na lang sa ganito. Kailangan ko pa ring magpatuloy hanapin ang LINYANG tama para sa akin. Saan man ako dalin ng aking mga paa at ituro ng Diyos.

Review.

Sa susunod na buwan na ang nakatakdang araw ng pagkuha ko ng exam sa HAAD-RN. Dapat binabasa ko na si Gapuz at Saunders pagkatapos ay sasagutin ang mga tanong sa Q&A ni Saunders. Ewan ko ba kung bakit pupugak pugak ang motivation at interes ko sa pagrereview. Kung anu- anong kalokohan pa ang inuuna ko kaysa sa pag aaral.. NAKAKAINIS.

unang post

hello.